" Ang K4 ay hiniram natin kay Kuya Efren Penaflorida. Huwag na tayong gumawa ng bagong modelo. Noong August 2002, tayo, sa pangunguna ni ASEC Umali ay nagkaroon ng MOA kasama si KUya Afren ng DTC. Ang Kariton KLasrum ay dinagdagan ng Kantina at Klinika. Bawat bata sa K4 ay dapat kasama sa Conditional Cash Transfer( CCT ). Sila ay dapat mabigyan ng suporta ng gobyerno. Sa Klinika ay nakasuporta ang DOH para sa Kalusugan. Sa Kariton ay kasama pa ang 3-in-1 ng education, health and social welfare."
" Ang street children ay street smart. Ang bagong curriculum ng K4 ay dapat na magmula sa mundo nila na mga kabataan sa lansangan.Ang mga guro sa K4, sila ang mag-aaral sa mundo ng kabataan. Dahil sa K4, magkakaroon ng bagong mukha ang edukasyon sa Pilipinas. Tayo ang makikiayon sa mundo ng kabataan sa lansangan. Tayo ang mag-aadjust sa sistema ng edukasyon. Sa sususnod na taon, sa isang lansangan ng Maynila ay may sisibol na panibagong eskwelahan, at magkakaroon ng Modified CCT para sa mga beneficiaries ng K4".
Br. ARMIN LUISTRO
Secretary of Education
This was part of the message of Hon. Sec. of Education Br. Armin Luistro during the Awarding Ceremony for Kariton Klasrum held at the Bulwagan ng Karunungan of DepEd ,Pasig City on December 14, 2012. The activity was held to give recognition to the divisions of Pasig, Caloocan, Quezon City, Cavite and Manila for implementing the K4 Program of DepED.
No comments:
Post a Comment